Muling pumunta ang Trash to Cashback Program sa Brgy. Eskopa III upang kolektahin ang mga naipon ng Eco-warriors natin na residente at MSME owners sa barangay.
Sa loob ng anim na buwan, masasabing successful ang proyekto na ito dahil sa kolaborasyon natin kasama ang Global Compact Network Philippines (GCNP), Climate Change and Environmental Sustainability Department of the City Government of Quezon City, at Barangay
Eskopa III.
Maraming salamat sa mga nakiisa, sumuporta, at naging certified Eco-warriors sa barangay. Ating sisiguraduhin na ang inyong exchanges ay bagay na malaki ang kahalagahan sa pagkakaroon ng clean and green community. Hanggang sa muli!