Upang icelebrate ang Children's Day 2023 noong Linggo (November 19) sa Quezon City Experience Museum, pumunta ang BEST, Inc. at nagtayo ng booth para sa bagong Eco-warriors upang makiisa sa pagsulong ng kaunlaran sa kalikasan sa tulong ng mga kabataan mula sa iba't ibang paaralan na youth advocates and representatives, campus journalists, teachers, guardians, at UNICEF affiliated youth organizations.
Narito rin sina Mayor Joy
Belmonte, Vice President and Department of Education Secretary Sara Duterte, Vice Mayor Gian Sotto, Department of Finance Usec. Maria Tuiseco, UNICEF National Ambassador Anne Curtis, UNICEF Ph Rep. Oyun Dendevnorov, UNICEF Deputy Rep. Behzad Noubary, World Bank Country Director Dr. Ndiame Diop, at Youth Advocates na sina Joshua Villalobos, at Yuan Santos upang magbigay mensahe sa mga kabataan na pag-asa para sa ating kalikasan.
Nag-enjoy rin ang participants sa activities tulad ng photobooths, face painting, at marami pang iba.
Maraming salamat, newly-registered Eco-warriors! Kita-kits sa ating drop-off locations nationwide!